1. kinakantahan mo sya habang hinahaplos habang pinapatulog. at may sarili syang theme song.
2. naka schedule na ang kanyang personal photo shoot.
3. pinapainom mo sya nang yakult everyday para everyday ok.
4. pinapa lawayan mo sya pag may bumati sa kanya (baka mausog)
5. lagi mo syang karga pag nasa mall..kasi baka mapagod ang maiksi nyang paa sa kakalakad...kahit MALAKI na sya.
6. may dog fud crumbs at treats sa bag mo lagi. at minsan may toy pa!
7. mas mahal pa ang vitamins nya kesa sa vitamins mo. in fact hindi ka nag vivitamins.
8. mas mahat pa ang haircut nya kesa sa haircut mo.
9. pag kumakain ka nang blueberry cheesecake, sa kanya napupunta lahat ng buleberries
10. dalawang vet ang tumingin sa kanya nung nag tae sya
11. tinatawag mo syang CHAMPION! pag naubos nya yun gamot nya.
12. May sarili syang electric fan.
2 comments:
bakit di ako invited sa birthday ni putot?
hahah! kasi baka puro humping lang ang mangyari! hahaha. sabahay lang kasama katulong at tatay nya at evilstepsisters. nasa multiply yung album :)
Post a Comment